Jamboree On The Air - Jamboree On The Internet (Jamboree sur les ondes - Jamboree sur internet). Ito ang jamboree na sa school lang ginaganap. Kasi imbes na you'd be socializing with other scouts physically, you'd do it via phone calls/internet.
Ito ang jamboree na para sa mga tunay na lalaki (as for the BSP), kasi 'yung mga bakla d'un sila sa BOTA-BOTI (Bakla On The Air - Bakla On The Internet).
And as for us scouts in NEU, we have our story of this activity, circa this year. Hence, this story.
Ngayon lang umabot ang BSP na nag-JOTA sa 51. Nagkataon pang ang inyong lingkod (yesss!!! whoooo!!! "Kala mo naman....") ang JASM. Kaya achievement ko 'to at ng buong BSP-NEUHSC. Siguro dahil sa ilang buwan din kaming naglibot sa buong NEUHS para mag-recruit ng scouts at para mangumbinsi ng mga sasama.
OCTOBER 15, 2010.
FIRST DAY NG JOTA-JOTI.
Nagkaroon ng konting embarassment sa BSP body bago ang JOTA. Sa entrance of colors (culminating activity kasi nu'n ng SHS) kasi, maraming mali. 'Yung paglagay ng flag ng Pilipinas sa flag stand, 'yung pag-command ko, at 'yung pagkamali sa exit. Anyway, past is past. Natatawa na lang kami kapag naaalala namin 'yun.
Pagkatapos ng program, nag-brownout sa University Hall. And it was already 1800h on the dot, which marks the start of the activity. O 'di ba? Great beginning! Pero power was restored after a few minutes, and that was exactly the time when I reached the quarters.
At nagmamadali akong umakyat at magpababa ng scouts sa room assignments namin sa building B, which were rooms 339 & 340. At may problema. Wala kaming lutuan. Bukod pa du'n, cannot be reached pa si Sir Solis. Galing!
Pagkatapos, bumaba ako sa 4th floor (ang quarters ng BSP ay nasa 5th floor, ang sa GSP ay nasa 4th floor) para tulungan 'yung kaisa-isahang GSP na buhatin 'yung gamit niya. Siguro I waited for her for 15 minutes, pano muse kasi siya at nandun siya sa program, kaya nagbihis pa siya.
Pagkarating niya, the make-up was still on her face. Her hair, ayun naka-style pa rin.
And then ayun. JASM, naka-type A, nagbubuhat ng gamit ng GSP. Marami ngang nang-aasar sa'kin, sinasakyan ko na lang. Ayoko rin silang pag-drop-in, magmumukha akong guilty nu'n, at saka bawal 'yun. Marami akong pwedeng utusan nu'n, pero hindi ko ginawa. I want to serve her myself...
Then nu'ng nandu'n na sa room designations, ayun, nag-ayos na ng mga gamit, nagpalit na rin ako ng damit: ang init ng type A . Nang magutom na 'yung iba sa amin, naisipan nilang kumain ng de-latang hilaw. Mga 1930h na nu'n.
At nu'ng pati ang mga "opisyales" at ang kaisa-isahang alumnus ay gutom na, naisipan na naming gumawa ng paraan para makakain: pa'no, kaunti lang ang nagdala ng plato, kaya naisipan naming kumuha ng dahon ng saging.
Which showed the "work force" ng BSP-NEUHSC. May taga-III - Topaz du'n na parang 21 years old na. So that's why they call him "tatay." Masunurin 'to, madalas nga lang puro kalokohan 'yung ginagawa.
So 'yun, lumabas na kami ng room designations, o ng "barracks," at naghanap na kami ng dahon. We were planning a "boodle fight" then. At eto malupit: dahil wala kaming cutting tool, kinuha na lang nila 'yung triangular ruler na ginagamit sa drafting: tutal room naman nila 'yung rm. 339. After the permission of Sir Solis, we're off.
Marami kaming lumabas, although ako at si tatay lang talaga ang dapat na kukuha. Pero ok na 'yun.
At nu'ng nasa baba na kami, du'n ko nalaman na nagluluto na pala 'yung Grub Leader namin sa Home Ec Room. Good, kasi akala ko nu'ng una hindi na namin magagamit 'yun kasi kailangan pa raw ng mga salaysay.
May nakita kaming puno ng saging du'n sa may, NSTP garden ata 'yun? Akala nga namin hindi pa kami pwedeng kumuha. Then 'yun, umaksyon na si tatay, gamit ang "mahiwagang triangle." Medyo mahirap pa nga makuha sa una eh.
Tapos kailangan pa palang painitan 'yun sa apoy. At nakita namin 'yung BSP-NEHSC na may apoy. Nakiusap na lang kami. Nakilala pa nga ako ng ilang scouts and roverettes du'n, pati ni Ma'am adviser nila.
We headed back to the barracks. Wala pang pagkain. Marami pang de-lata. Kaya nagkaroon ng "hoarding", si tatay at si Sir Mark ang nag-hoard. Pero walang nagbukas ng lata, taguan lang. And that's great, marami pa kaming pwedeng kainin kinabukasan.
Habang naghihintay sa pagkain, puro kabaliwan ang ginagawa sa barracks. Patayang ng ilaw, soundtrip na sagad ang volume, basta marami.
At ayun, naisip kong magpaka-martyr one more time. Nang pumunta ako sa GSP area, pababa na sila du'n sa HE Room. At siyempre, nandu'n siya. So "tumulong" na naman ako. At isa pa nu'n, may mga GSP na nawawala. Concerned?
At ayun. I received the orders from Sir Solis na pababain na rin 'yung BSP para kumain. Nang tinanong ko kung ano 'yung gagawin du'n sa dahon na pinaghirapan naming kunin, sa breakfast na lang daw gamitin. Hays.
At nung kakain na ako, wala nang plato. Kaya naki-buraot na lang ako sa Cadet ng GSP (ang best friend ko, si Dyann) at sa kanya. Ayus, kahit kaunti lang talaga 'yung nakain ko, at least sa kanya galing 'yung pagkain. So I was satiated.
Matapos nu'n, umakyat na ako sa barracks. Nandu'n si Sir Mark, si tatay, at ang iba pang first year, boodle fight sila du'n sa lalagyan ng kanin, at 'yung mga hinoard nilang de-lata 'yung ulam. Galing. Pero may kakainin pa rin kami bukas.
Matapos mabusog, it was the time to be a JASM. Una niyan, nu'ng may "campfire" sa field. Ang tagal bago nasindihan, at napakaliit ng apoy. NEHS was the sponsor, so none of our business in some point.
Kailangan pala'ng bawat patrol ay magpakitang-gilas. E wala kaming patrol, so we decided to move and perform as one. Kahit umuulan, nagperform pa rin kami. Ayun, ayus. Kahit napaos ako, napagod sila, at nabasa kaming lahat, wala 'yun. (♫♪ Owa, owa, achuchu... Tira, tira, tira na...!! ♪♫)
Pagkatapos nu'n, back to barracks na naman. Pahinga na. Pumunta kami ng 5th floor, sa room ng Zeb, para samahan 'yung isang scout na may naiwang gamit du'n. Tatlo ata o apat kami nu'n. Tapos du'n ko na pinlano 'yung takutang hindi natuloy officially, pero ginawa secretly ng ibang scouts. Na-misinterpret ata 'yung sinabi kong "hunting-an."
'Yun nga. Marami nang nangyari na kadisma-dismaya. Habang nagpapahinga ako sa higaang sinolo ko, biglang may pumunta sa barracks in complaint of some scouts na nagtatakbuhan du'n sa lobby, naka-hubad. Mga tigasin kasi.
Kaya ayun, sa'kin na naman 'yung sisi. Problema na naman. Pero may dagdag pa. Nang pumunta ako sa GSP area, andami pang sumbong ng mga GSP, lalo na ni Ma'am Cadet. Maraming nanakot, may muntik pa nga raw mag-collapse eh. Meron pa nga raw "naglaro sa dilim." Haaay talagang problema. Buti na lang nandu'n siya. Relieving kahit papano.
Nu'ng nawawala si "Michael Jackson" at 'yung kasama niya, nagpa-form sa lobby. Mga 2330h na ata nu'n. Nandu'n si Sir Solis. So lahat ng mga kalokohan ng BSP nu'ng mga nakaraang oras du'n na ni-resolve.
Kasama pala sa naghabulan at nanakot sa GSP si JESM, kaya siya na bahala du'n sa mga 'yun. Nag-sorry sila sa du'n sa GSP area, lumuhod pa nga raw eh. Mabuti 'yun, talagang karapat-dapat siya sa puwesto.
Matapos mag-discuss, pagalitan, at magplano para bukas, back to barracks na uli. 'Yung iba natulog na ka'gad. 'Yung ibang kagaya ko matagal pa bago nakatulog, pero may ibang hindi talaga natulog.
TAPOS NA ANG FIRST DAY NG JOTA-JOTI.
OCTOBER 16, 2010
SECOND DAY NG JOTA-JOTI
Ang "ganda" ng gising ko. 0530h, nagising halos lahat ng scouts dahil sa "wake up call" na malupit (Die Motherf*cker Die). At pagkagising du'n ko nalaman na may naglagay ng toothpaste sa tenga ko. Pero ayos lang, walang pikunan, tutal napagkasunduan naman 'yung trip na 'yun eh. Buti na lang may hugasan du'n sa barracks.
Tapos nu'n, warm-up, ta's jogging, 'yung iba nag-basketball. May asthma kasi ako kaya hindi ako naglaro.
0630h, back to barracks na. Breakfast. At natuloy na 'yung boodle fight. As a leader, pinauna ko sila. Masarap pala 'pag halo-halo 'yung pagkain, puro de-lata nga lang. Pero at least nakakain.
At siya. Wala "raw" silang pagkain. So nagpakuha ako ng de-lata at ilang kilong bigas sa barracks, at binigay ko sa kanya. BSP pa ang nagsaing nu'n. O 'di ba, pampa-lubag loob?
Matapos kumain, naligo na 'yung iba. Pagkalipas ng isang oras at nu'ng 3/4 sa'min ay nakaligo na, naligo na rin ako.
Napansin namin na 'yung BSP-NEHSC ay naka-type A lahat. Magpapahuli ba naman kami? Kaya kahit lukot na 'yung type A, sinuot pa rin, mabango pa rin naman.
Nakababa kami sa field ng 0930h. Dramatic entrance, panu kami ang huling dumating. At mainit talaga nu'n sa field, kaya pumunta kaming lahat sa tent, BSP at GSP ng NEUHS, which gave way para magpasikat na naman kami.
Birthday ng isang GSP nu'n, kaya nag-birthday greet kami. Malupit 'yun. Nasa Facebook pa nga 'yun eh. Matapos nu'n at wala kaming magawa, du'n na namin nilabas 'yung mga "signature moves" namin, courtesy of Sir Solis.
At nag-picture-an na. Wala kasing ginagawa eh. May kaklase pa nga akong pina-drop ko dahil humaharang sa camera. Pero drop, 1 second lang.
Nu'ng nainip na, naisipan ng iba na bumalik na sa barracks. May kakulitan si tatay na first year, at malupit 'yung dalawang 'yun. Kaya hindi boring nu'ng mga oras na 'yun dahil sa kanila.
Nang makatulog na 'yung iba, oras na para mang-trip uli. Toothpaste pa rin. 'Yung ibang lalagyan sana at nilagyan na, nagising ka'gad. Pero 'yung iba tulog talaga, kaya naku'nan pa namin ng pic. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa na-a-upload 'yung mga 'yun.
Hindi na natuloy 'yung mga balak naming "Amazing Race," "Capture the Flag," at kung anu-ano pa sana. 1300h na kasi ang uwian.
Nu'ng mga 1200h na, bumaba na uli. Kumain na ng tanghalian. Marami silang nakain. Ako rin naman eh, kaso sunog 'yung kanin. At, marami pa 'yung nailagay ko sa plato. Halos hindi ko nga maubos eh. Pero kinaya ko, bawal magtapon ng pagkain.
Matapos mag-lunch, pack-up na daw. Uwian na. Nakakabitin 'yung JOTA - JOTI. Isang tulog lang. Haay. Pero ayos na 'yun, masaya naman eh, kasi marami kaming natutunan, nakain, napasaya, napag-tripan, kahit napagalitan, at kasi nandu'n "siya."
At ayun na nga ang nangyari. Nag pack-up na kami, bumaba naat ikinasa na ang planong pagdo-DotA. Nang nakababa na lahat ng maglalaro (kahit binawalan kasi may parating na bagyo, sige pa rin!), biglang nag-ring 'yung cellphone ko. Sa una kinabahan ako kasi akala ko si Daddy 'yun. 'Yun pala, si Ma'am Cadet. Nagpapatulong magpababa ng gamit. Kasama rin siya sa nagpapatulong: kung wala siya, sorry, hindi ako aakyat. E andun. So 'yun. Kaya pinauna ko na lang 'yung mga gamit ko sa computer shop, pero 'yung hand-carried na gamit (unan at extrang sapatos ata 'yun) dala ko pa rin.
Pumunta kami (kasama ko si Sir Mark) sa GSP Area para tumulong. At nagpresinta na akong magbuhat ng gamit niya. Ang dami nu'n, ang bigat pa. Pa'no, andu'n kasi 'yung costume na ginamit niya nu'ng SHS Activity. Pero ayus lang, "hindi naman mabigat eh (woooh!!) ."
Ayun. 5 v 5. Nag-DotA na. Habang naglalaro ako ka-text ko siya. Ok lang, nakakapag-laro naman ng maayos, mas maayos pa nga kasi ka-text ko siya ("weeh korneee..."). Sabi nga niya sa unang message niya na hanggang ngayon, naka-save pa rin sa inbox ko, last text niya na daw 'yun. Pero naka-tatlo pa siyang text sa akin.
Matapos ng game na 'yun, hindi na ako sumali sa sumunod. Hindi dahil sa mayabang na ako kasi nanalo kami, kundi dahil may pinasali akong bago. Alumni. May natitira pa akong 20 mins kaya nag-NeedForSpeed: MostWanted na lang ako. Wala para may magawa lang. Umuulan pati kasi.
Nu'ng nag-time na ako wala nang ulan. Pero hindi ko alam kung bakit nag-extend pa ako ng 30 mins, at nag-stay pa ng mga 15 mins, e hindi naman ako ganu'ng nag-eenjoy sa panonood. At nang matapos na, nagbayad na sa counter, sabay labas.
Pa Tandang Sora Ave. ako nu'n, kaya may mga kasabay ako dumaan sa campus. Then some familiar figure caught my attention: naka-GSP t-shirt, mahaba 'yung buhok, average height, at "cute." Siya pala 'yun. Nge. Kaso, wala 'yung mga gamit niyang mabigat. Mukha rin siyang nalugi. Hmm, ano na kayang nangyari?
Nanakaw pala 'yung cellphone niya sa bus. At ako 'yung huling nagtext sa kanya nu'n. Malas ba talaga ako?
Kaya bumaba siya du'n sa Ever Commonwealth para bumalik sa NEU. Sabi nga niya sa blog niya, kailangan niyang mailabas 'yung problema niya. To make things clearer, hinanap niya ako sa buong campus: HS bldg, Parents' Hall at kung saan-saan pa para masabi 'yung problema niya. So this proves the quotation, "Everything happens for a reason."
Sa totoo lang, hindi lang awa ang nangibabaw sa 'kin nu'ng mga panahong iyon. Natuwa rin ako. Hindi dahil sa nawalan siya ng mamahaling cellphone (ang sama ko namang "kaibigan" kapag ganu'n...), kundi dahil sa naapreciate ko na ako 'yung hinanap niya (malay ko ba kung ako lang, pero hindi naman siguro...) nu'ng may problema siya. And when I say "appreciate," I view it that way, without any malice. Seriously.
She told me the whole story, detailed, but of course, not in exact account (who could report in such, anyway?). Napansin namin na nakaharang kami sa daanan, kaya pumunta kami du'n sa may main entrance ng college building. Tapos lumipat kami sa "airport", gustong maupo eh.
Nagkwentuhan kami sa airport. Not about the lost phone this time, but about our own lives. Halos isang oras din kaming magkakwentuhan nu'n. Masaya at masarap siyang kausap. Promise.
Naisip na niyang kunin 'yung mga gamit niya du'n sa pinag-iwanan niya. Kaya naglakad kami simula sa NEU hanggang sa Ylanan gate ng UP. Nakakapagod. Mabigat pa 'yung bag ko. Medyo nahirapan na nga akong huminga nu'n, pero ayus lang. Nilibre niya ako ng pamasahe nu'n. Kahit talaga nasa jeep kwentuhan pa rin.
Lumampas kami du'n sa dapat naming babaan. Pero ayus lang, hindi naman 'yun ganu'n kalayo eh. At wala pa naman 'yung mga gamit niya, kukunin pa lang namin.
And 'yun nga. Nakuha na namin. Ang plano nga sana, pupunta pa kami du'n sa Ever C'wealth para kumain. Eh kaso, baka ako naman ang mawalan ng cellphone. So sa McDo nalang kami tumuloy.
Medyo malayo 'yung kailangang lakarin simula du'n sa pinagkuhanan namin ng mga gamit niya papunta sa fastfood store. Ang classic pa dito, super dami naming dala (though siya nagbuhat ng gamit kong mas magaan, and vice versa), at lahat pa 'yun siyempre, puro essentials: damit, toiletries, may pail pa nga eh. Kaya mukha kaming... At habang naiisip ko, napapapikit ako.
Nilibre ko siya. ("Galante chong!!!") Wala na daw kasi siyang pamasahe kapag bumili pa siya, and nagkataon na may natira pa akong pera. Tig-Php50 lang na meal 'yung kinain namin. Eh, natira na nga lang kasi 'yung pera ko.
Pagkatapos kumain, mga isang oras pa ata kaming nag-stay sa ff'store. Puro kuwentuhan. Well, about sa kung anu-ano. Pero, kung hindi ako nagkakamali, kasama sa mga pinag-usapan namin ay ang high-school relationships (pati 'yung religious conflicts...). And yes, nagpaparamdam na talaga ako noon. Haay. Hindi lang ba talaga niya ma-sense o sadyang hindi lang ako marunong magparamdam?
At finally, nakahalata na kami sa oras.Mga 1930h na 'yun. At nag-decide na kaming iwan ang McDo, kasi masyado na rin kaming giniginaw.
Inantay ko muna siyang makasakay, saka ako umalis.
TAPOS NA ANG SECOND DAY NG JOTA-JOTI
O 'di ba? 'Yan ang JASM. 'Yan ang tunay na serbisyo. 'Yan ang tunay na JOTA.
Ang saya grabe. At sana maulit muli,kahit nasa Unibersidad ng Pilipinas na ako (ang patuloy na nangangarap. bow), makapag-JOTA uli kami sa NEU, as alumni. Kung mauulit 'tong buong 'to, eh why not?
TAPOS ANG JOTA-JOTI. GAYUNDIN ANG NOBELANG ITO.
No comments:
Post a Comment